-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dumipensa ang National Telecommunications Commission hinggil sa ipinatupad na signal jamming sa Iloilo City kasabay ng Iloilo Dinagyang Festival 2023.

Ito ay matapos umani ito ng batikos sa publiko kung saan maliban sa Iloilo City, naapektuhan rin ng signal jamming ang ilang bayan sa Iloilo Province at maging sa Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Deo Virgil Tan, legal officer ng National Telecommunications Commission, sinabi nito na tumalima lamang sila sa request ng Philippine National Police bilang bahagi ng pagpapatupad ng seguridad sa lungsod.

Ayon kay Tan, naapektuhan ang mga katabing lugar ng lungsod dahil malawak anya ang sakop ng cellular sites.

Mismo ang komisyon anya ang nag-utos sa mga telecommunications company na suspendihon ang signal sa mga areas of concern.

Una nang sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na hindi na niya aaprubahan ang hiling ng Philippine National Police sa susunod na taon na magpatupad ng signal jamming.