Sa papalapit na pagtatapos ng SIM Card registration sa Abril minabuti ng National Telecommunications Commission na magkaroon ng SIM Card registration sa remote areas upang mapadali ang proseso nito.
Ayon kay National Telecommunications Commission Officer In Charge Director, Legal Branch, Atty. Andres Castelar Jr., kasalukuyan silang nakikipag ugnayan sa mga Local Government Unit upang matugunan ang hinaing ng mga kababayan nating nasa remote areas pagdating sa SIM Card Registration.
Sa ngayon raw ay nasa 20% pa lamang ang rehistradong SIM Card.
Nilinaw ng National Telecommunications Commission na secure ang mga impormasyon ng mga nakapagparehistro na at walang intervention ng ibang ahensya dito.
Wala umanong dapat ikabahala pagdating sa mga impormasyong inilatag sa oras ng pagpaparehistro.
Matatandaan na noong mga unang araw ng pagpaparehistro ay nagkaroon ng problema sa website, ngunit sa ngayon raw ay maayos na itong ma-aaccess at madali nalang ang pagrerehistro ng SIM Card.