-- Advertisements --
sim card

Tiniyak ng National Telecommunications Commission (NTC) ang implementasyon ng SIM Registration Law.

Sa kautusan ni National Telecommunications Commission Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca B. Lopez binuo ang National Telecommunications Commission Task Force on the implementation of the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.

Sa nasabing kautusan, inaatasan ang National Telecommunications Commission Task Force na masusing bantayan ang proseso na ginagawa ng mga public telecommunication entities (PTEs) para maipatupad ang SIM Registration Act at Implementing Rules and Regulation (IRR) nito.

Kasama ding babantayan ang ginagawang hakbang ng mga telecommunication company upang matugunan ang mga isyu at problemang nararanasan sa proseso.

Sa update ng mga telco na ipinasa sa National Telecommunications Commission, iniulat ng Globe na umabot na sa 1,769,374 subscribers nila ang nakapagparehistro, sa Smart ay mayroong 1,019,207 subscribers at ang DITO ay 530,424 subscribers.

Ang Republic Act 11394, otherwise o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong October 10, 2022.