-- Advertisements --
Inanunsyo ng National Telecommunications Office (NTC) na gagawa sila ng task force na susubaybay sa pagpapatupad ng batas sa pagpaparehistro ng SIM card matapos masira ang unang araw ng pagpaparehistro noong Disyembre 27.
Ayon kay National Telecommunications Office Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan , mayroon ng nakatalaga sa regional offices para sila ang maging coordinating focal persons ng ahensya.
Nang tanungin kung ano ang gagawin ng naturang ahensay para sa mga probinsyang mahina ang signal, sinabi rin ni Salvahan na bubuuin ang isang committee para harapin ang mga isyu.
Sa kasalukuyan, marami naman na daw umano ang nakapagregister na mga subscribers sa mga nakatalagang website ng bawat mga networks.