-- Advertisements --
bsp

Itinalaga bilang bagong Monetary Board Member ng Bangko Sentral ng Pilipinas si National Treasure Rosalia de Leon.

Inanunsyo ito ng Palasyo Malakanyang  ngayong Sabado, kasama si Romeo Bernardo bilang bagong miyembro ng Powerful Monetary Board.

Ang Monetary Board ay isang governing body ng BSP na siyang nagpapatupad ng power at functions ng BSP .

Kabilang na rito ang pagpapatupad ng monetary policy at pagbabantay sa financial system ng BSP.

Ang naturang board ay pinamumunuan naman ni BSP Governor Eli Remolona Jr.