-- Advertisements --
Sinunog ng mga protesters sa Bangladesh ang TV station na kontrolado ng kanilang gobyerno.
Umapela ang BTV ng tulong dahil sa maraming mga empleyado nila ang nasa loob pa.
Dahil sa insidente ay nahinto ang pag-ere ng telebisyon at nakalabas din agad ang mga empleyado sa nasusunog na gusali.
Umapela naman si Prime Minister Sheikh Hasina ng paghinahon kung saan matapos ang ilang araw na protesta ay nagdulot na sa 10 katao na ang nasawi.
Nagbunsod ang kilos protesta dahil sa sistema ng pagkuha sa trabaho na base sa merit na ikinagalit ng mga mag-aaral.