-- Advertisements --

Ipagpapaliban ng Department of Health (DOH) ang ikalawang yugto ng “Bayanihan Bakunahan program” sa mga lugar na posibleng daanan ng tropical depression na Odette.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na imbes na gawin sa darating na Disyembre 15 hanggang Disyembre 17 ay gagawin na lamang ito mula Disyembre 20 hanggang 22 sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Odette.

Kinabibilangan ito ng Southern Tagalog region, Central at Eastern Visayas at Northern Mindanao.

Nais nilang maging ligtas ang mga health workers na mangangasiwa sa mga pagpapabakuna.

Ang mga lugar naman sa northern at Central Luzon ganon din sa Calabarzon ay itutuloy ang Bakunahan 2 sa nauna ng itinakda mula Disyembre 15 hanggang 17.