Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Joseph Francisco Ortega bilang bagong Chairperson ng National Youth Commission.
Kasama din nitong naitalaga si Karl Josef Legazpi bilang Director ng second Commissioner-at-Large ng National Youth Commission.
Ang pagkakatalaga kay Ortega ay bahagi ng isinusulong ng administrasyong Marcos sa pagpapalakas ng kabataang Pinoy at para marinig ang kanilang boses.
Bago naitalaga si Ortega ay nagsilbi bilang Regional Director ng Department of Tourism (DOT) Region 1 mula pa noong 2019.
Nagtapos ito sa Ateneo de Manila University ng Bachelor of Arts in Political Science noong 2013 na sinundan ng Master of Business Administration mula Ateneo Graduat School of Business noong 2023.
Kumpiyansa ang pangulo na sa ilalim ng pamumuno ni Ortega sa NYC ay mahuhubog ang mga kabataan sa tamang pamumuno at magkaroon ng sapat na kontribusyon sa lipunan.