Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Durterte na hindi siya mag-iisyu ng isang Executive Order para pormal na ipag-utos ang liquor ban at curfew sa mga negosyong nag-o-operate tuwing gabi gaya ng night clubs.
Nabatid na binanggit ito ni Pangulong Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) kahapon kung saan inihambing niya ang sitwasyon sa Davao City na tahimik na raw ng pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi dahil nagsasara na ang business establishments.
Wala rin aniyang nagkakaraoke sa dis-oras ng gabi sa siyudad.
Sa maikling press conference matapos ang kanyang SONA, sinabi ni Pangulong Duterte na ideya lang ito na kanyang inihayag.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maganda ang magagawa nito lalo na sa kalusugan ng mga Pilipinong mahilig uminom pero alam din naman ng pangulo na may epekto ito sa interest ng mga negosyo.
Kaya naman ipinauubaya na niya sa kamay na ng mga mambabatas ang desisyon kung gagawa ito ng batas na nag-uutos para rito.
“But I made it a national policy because you know when I was new mayor, I went around to see the discos and night clubs. I could hardly see the faces of the people inside. You have to wade into a thick smoke to just recognize one. So that’s when I decided. But I was still smoking. But I decided because I knew, I already had it. So it’s time to close sabi ko. And a national law, para lahat na, that at 12 o’ clock, everything closes,” ani Pangulong Duterte.