-- Advertisements --

Muling isinagawa ngayong araw ang taunang blood letting activity na tinaguriang “Dugong Bombo 2017” ng Bombo Radyo Philippines sa 24 na key areas sa bansa.

Tulad ng dati, kaagapay muli sa gagawing nationwide simultaneous blood letting campaign na ito ang Philippine Red Cross (PRC), local at national sponsors at marami pang mga sumusuporta sa programa tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Commission on Higher Education (CHED).

Patuloy namang nakakatanggap nang maraming parangal ang Bombo Radyo Philippines dahil sa pangunguna sa listahan ng iba pang mga kompaniya sa Pilipinas na may pinakamaraming units ng dugo na nalikom nang sabay-sabay sa loob lamang ng isang araw o bilang “pinakamadugong” blood donation campaign.

Ang Dugong Bombo ay isang malaking patunay sa patuloy na impluwensya ng radyo at mainstream media na gumawa ng mga makahulugang mga proyekto na maraming makikinabang.

Ang Dugong Bombo ay isa lamang sa maraming mga proyekto ng Bombo Radyo Philippines na may socio-cultural responsibility.

Ang iba pa sa mga ito ay ang taunang Bombo Medico, nandiyan din ang Bombo Music Festival na naglalayong makatulong sa paglinang sa  talento ng mga Pinoy.

Samantala, ang mga blood donors ay maituturing na mga bayani na boluntaryong nag-aambag para makapagdugtong-buhay sa ating kapwa.

Tandaan natin na ang isang donasyon na 400 to 450 cc ng dugo ay maaaring makasagip ng tatlong buhay.

Bukod sa snacks at fluid replacements na ibinibigay sa mga successful blood donors, sila rin ay pinagkakalooban ng libreng special edition Dugong Bombo T-Shirt bilang souvenir at Hemarate FA para tumulong sa full recovery ng kanilang sariling blood supply sa katawan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ng Bombo Radyo Philippines sa mga nais na humabol na maging blood donor na tumungo sa lamang sa mga lugar na may Bombo Radyo at Star FM stations para mag-donate ng dugo.

DUGONG BOMBO 2017.. A LITTLE PAIN.. A LIFE TO GAIN.