Bumaba ang nationwide COVID-19 positivity rate sa 5.5 percent base sa ulat ng OCTA Research.
Inihayag ni OCTA fellow Guido David na mayroong pagbaba sa positivity rate, o ang porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri, matapos mag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 467 na bagong kaso ng COVID-19.
At dahil diyan nasa 12,376 na ang active cases.
Inaasahan naman ng OCTA ang 350 hanggang 450 na bagong kaso kahapon.
Sinabi ni David na ang positivity rate ng bansa ay bumaba ng dalawang notches mula 5.9 percent noong Enero 6 hanggang 5.7 percent sa sumunod na araw.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso na may 183 noong Linggo, habang ang mga lalawigan na may pinakamaraming kaso ay kinabibilangan ng Rizal (25), Cavite (22), Laguna (18) at Bulacan (15).