-- Advertisements --
Kinansela na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nakatakdang kauna-unahang nationwide earthquake drill ngayong taon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, base sa inilabas na memorandum 24 series of 2020 ni NDRRMC executive director at Undersecretary Ricardo Jalad na kinakansela nito ang scheduled nationwide earthquake drill.
Dahilan ng kanselasyon ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa.
Sinabi pa ni Timbal, nag-aabang sa magiging development ng Department of Health (DOH) para makapaglabas sila ng abiso kung kailan iiskedyul ang earthquake drill.
Nanawagan ang NDRRMC sa publiko na manatiling kalmado at ugaliing maging malinis ang katawan para makaiwas sa sakit.