-- Advertisements --
image 507
NM

Todo na ngayon ang paghahanda ng Office of the Civil Defense (OCD) para sa isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ayon kay Office of the Civil Defense Joint Information Center head Diego Mariano, ang earthquake drill ay isasagawa sa Marso 9.

Layon nitong maihanda ang publiko sa posibilidad na pagkakaroonng catastrophic earthquake o ang tinatawag na “The Big One” dito sa Pilipinas partikular sa Metro Manila.

Ang National Simultaneous Earthquake Drill ay isasagawa na raw sa kada quarter ng taon at ang unang leg ng naturang drill ay isasagawa sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Aniya, magkakaron daw muna ng ceremonial sounding ng buzzer na magiging hudyat para isagawa ang duck, cover and hold.

Simple lamang daw itong protocol pero ito ay nakakapagligtas o makakapagpagbaba ng bilang ng mga sugatan at maging ng bilang ng mga casualties kung sakaling may tumamang malakas na lindol.

Maliban sa naturang method, sinabi ni Mariano na ang ilang representatives mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay magsasagawa rin ng tabletop exercise para sa decision-making scenarios na magagamit kapag mayroong tumamang malakas na lindol.

Ang naturang drill y isasagawa kasunod na rin ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria noong Pebrero 6.

Una nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naghahanda rin ang mga ito sa pinangangambahang pagtama ng The Big One sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga seminar at lecture sa disaster preparedness at ang pag-oorganisa sa posibleng deployment ng urban search at rescue teams.

Kung maalala, ang Pilipinas ay nag-deploy ng 82-man inter-agency humanitarian contingent sa Turkey na tumulong sa paghahanap sa mga nawawalang biktima ng malakas na lindol doon.

Inaasahang uuwi na ang mga ito sa Marso 1 dito sa Pilipinas.