-- Advertisements --

WASHINGTON – Pansamantalang inihinto ni President Donald Trump ang nationawide immigration sweep para ipa-deport ang mga taong iligal na naninirahan sa Estados Unidos.

Sinabi ni Trump na bibigyan niya ang mga mambabatas ng dalawang linggo para makabuo ng solusyon para sa southern border.

Ang hakbang na ito ng Presidente ay kasunod ng panawagan ni House Speaker Nancy Pelosy kahapon kung saan hiniling nito na itigil na ang isinasagawang raids.

“At the request of Democrats, I have delayed the Illegal Immigration Removal Process (Deportation) for two weeks to see if the Democrats and Republicans can get together and work out a solution to the Asylum and Loophole problems at the Southern Border,” sambit ni Trump sa kanyang Twitter account.

Pero tatlong administration officials ang nagsabi naman na ang operasyon na ito ay hindi lamang tungkol sa politika.

Anila, nagpahayag na ang Immigration and Customs Enforcement leaders ng pagkabahala na posibleng malagay sa alanganin ang seguridad ng mga officers dahil napakarami nang detalye tungkol sa raid ang naisapubliko.

Nauna nang nakatakdang simula ang operasyon na ito bukas at target ang mga taong may final orders na para sa kanilang removal, kabilang na ang mga pamilya na nahaharap sa immigration cases.