-- Advertisements --
Pinalawig pa ng New Zealand ang ipinapatupad nilnang nationwide lockdown.
Bukod kasi sa magtatapos sana ngayong Agosto 20 ang tatlong araw na lockdown ay pinalawig pa ito ng apat na araw matapos na magtala ng Delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na ang nasabing lockdown ay magbibigay ng sapat na panahon ang mga contact tracers na mag-assess sa kalagayan.
Magtatapos ang panibagong lockdown sa Agosto 24.
Ayon kay Australian Director General of Health Ashley Bloomfield na ang 58-anyos na lalaki na nagpositibo ng Delta variant ay kasalukuyang nagpapagaling.
Noong nakaraang taon ay umani ng papuri ang New Zealand dahil sa agad nilang isinara ang border at mabilis na nakontrol ang pagkalat ng COVID-19.