Inilunsad ng pamahalaan ang nationwide rice price monitoring para matasa ang epekto ng pagtapyas sa taripa ng inangkat na bigas sa kabuuang supply chain mula sa mga importer patungo sa mga retailer.
Sa inilabas na statement ngayong Sabado, nakasaad na ang inilunsad ng Department of Trade and Industry sa pakiki-pagtulungan ng Department of Agriculture ang pinalawig na price monitoring initiative saklaw ang malawak na retail markets, kabilang ang supermarkets, hypermarkets at grocery stores sa ilalim ng hurisdiksiyon ng DTI gayundin sa wet markets na sakop naman ng DA.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mananatiling tapat ang kagawaran sa mahigpit na pag-monitor at pag-analisa sa pabago-bagong presyo ng bigas sa merkado.
Matatandaan na una ng inisyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo ang Execuitve Order No. 62 para sa pagtapyas ng taripa sa bigas mula sa 35% sa 15% gayundin ang taripa sa iba pang mga produktong pang-agrikultura.