Umabot sa 11,500 volunteers ang nakilahok sa Nationwide Simultaneous Coastal Clean-up ng Department of Environment and Natural Resources.
Ginanap ang naturang cleanup kahapon kung saan lahat ng mag regional at local offices nito ay naging katuwang sa implementason.
Ginawa ng ahensiya ang naturang programa bilang pakikiisa sa World Oceans Day at Coral Triangle Day sa bansa.
Sa Luzon Cluster ay umabot sa 4,000 volunteers ang naitala na nagmula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Region.
4,500 volunteers naman ang naitalang nanggaling sa mga rehiyon ng Mindanao, katulad ng zamboanga Peninsula, Davao Region, atbpa.
Habang sa Visayas ay umabot sa 3,000 volunteers ang nakiisa sa malawakang coastal cleanup na pangunahing isinagawa sa mga dalampasigan ng Argao, Cebu; Tagbilaran City, Bohol; Borongan City, Eastern Samar; San Juan, Southern Leyte atbpa.