-- Advertisements --

Matagumpay ang isinagawang 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kaninang alas-9:00 ng umaga.

Layon nito na paigtingin pa ang paghahanda ng mga Pilipino sa pagtugon sa lindol sakaling tumama ito lalo na sa inaasahang the “big one” o ang malakas na pagyanig dulot ng inaasahang pagkilos ng West Valley Fault na maaring mangyari anumang araw.

Naging highlight ng programa ang pagpindot ng buton sa pagpwesto ng “duck cover and hold.”

Kanina sa panimulang mensahe, iginiit ni Asec. Hernando Caraig Jr, Officer in Charge ng Office of Civil Defense na walang pinpiliping panahon ang lindol kahit pa nasa pandemya kaya mahalaga na maging handa anumang oras.

Ginagawa umano ang NSED para malaman ang tamang gagawin, bago, habang at pagkatapos ng lindol.

Paliwanag niya, marami ang kampanya ng pamahalaan pra sa disaster preparedness na kinakailangan mang suporta ng publiko.

Kaya naman para mas maging ligtas ang komunidad dapat magkaroon ng pagkakaisa at sama samang pagkilos.

Sa panig naman ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Usec. Renato Solidum, sinabi nito na napatunayan na sa nakalipas na sakuna na bida ang may handa.

Paliwanag ni Solidum dapat mapag aralan kung ano ang mga ligtas at hindi ligtas na lugar para maiwasan ang pinsala.

Dapat din umanong mabigyan ng kamalayan ang kababaihan, matatanda at mga bata dahil kadalasan umano silang naiipit sa mga sakuna.

Samantala, ayon naman kay Department of National Defense Secretary at NDRRMC Chairperson Delfin Lorenzana, nais nilang palawakin pa ang partisipasyon ng lahat ng sektor sa NSED.

Nakikipagtulungan umano sila sa ibat ibang ahensya tungkol dito para mas mapatatag pa ang pagtugon ng bansa sa sa sakuna.

Ito ang ika-pitong online NSED na isasagawa ng NDRRMC mula noong taong 2020.