-- Advertisements --

Ipinag-utos ni PNP chief Police Director Gen. Oscar David Albayalde sa lahat ng mga chief of police nationwide ang pagsasagawa ng surprise inspection sa mga presinto.

Sa talumpati ni Albayalde sa pag-assume nito sa puwesto kanina sa Kampo Crame, nais niyang ipagpapatuloy ang kaniyang ginagawang surprise inspection.

Layon nitong tiyakin ang kahandaan ng mga pulis lalo na sa gabi.

Pahayag ni Albayalde na ang PNP Oversight Committee ang magmo-monitor sa mga trabaho ng mga ground commanders.

Ang nasabing komite din ang mag assess sa performance ng mga opisyal na siyang magiging basehan kung sisibakin sa pwesto ang mga naka-upong opisyal.

Inihayag ng heneral na nais man niyang manguna sa pag-iikot at magsagawa ng inspection sa buong bansa ay hindi niya kakayanin.

Magugunita na ilang beses nagsagawa ng surprise inspection si Albayalde noong siya pa ang hepe ng National Capital Regon Police Office (NCRPO) kung saan sinibak niya sa pwesto ang mga nahuli sa akto na mga pulis na natutulog at nag-iinuman habang naka-duty.