-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat negatibo umano ang monitoring ng Philippine Army patungkol sa pangungutong ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa mga personalidad na tumakbo para sa magkaibang posisyon subalit hindi pa rin sila nagbaba ng kanilang pagsisikap upang hindi malagay sa pananabotahe ang May 12 elections ng bansa.

Ito ang pahayag sa Bombo Radyo Philippines ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala laban sa ilang indibidwal o grupo na maaring gamitin ang armadong grupo na nasa likod ng insurhensiya para sa sariling interes na magkaka-pera gamit ang political funds mula sa mga kandidato na pumasok sa mga kanayunan.

Sinabi ni Dema-ala na kung hindi man nakagalaw at nakapagpatupad ng permit to campaign at permit to win ang mga armadong kalaban ng gobyerno ay hindi rin malayo ang posibilidad na gagamitin ang grupong ito para gigipitin ang mga kandidato.

Pagpapaalala ng opisyal na kailangan man ay hindi pinahintulutan ng estado ang mga kandidato o kaya’y local government units na magbigay ng anumang demanda ng mga rebelde dahil nakaabang na ang Anti-Terrorism Act na maaring kaharapin sa mga lumabag rito.

Magugunitang bagamat iniulat ng Philippine Army na ‘zero extortion’ ang mga rebelde sa election related events ng mga kandidato, subalit nalusutan naman ang mga sundalo sa bahagi ng Malitbog,Bukidnon kung saan sinunog ang milyun-milyong halaga ng cassava facility na pag-may-ari ng isang pribadong indibidwal.