-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Philippine National COVID-19 Roadmap and Implementation Plan.

Kasabay nito, ang pag-adopt ng Department of Health (DOH) sa Revised Omnibus Interim Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies para sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, kabilang sa mga panuntunang ito ay ang mahigpit na pagpapatupad at pag-obserba sa minimum public health standards, mahusay na pagtaya batay sa mga sintomas at pagkakalantad sa virus, paggamit sa quarantine at isolation facilities.

Ayon kay Sec. Roque, kung kinakailangan ng pagkakataon, kailangang kompletuhin ang 14-day quarantine sa mga close contact ng probable at mga kumpirmadong kaso at 10 araw na isolation para sa mga suspect, probable at mga kumpirmadong kaso.

Samantala, niratipikahan din ng IATF ang Joint Memorandum Circular ng DOH , Civil Service Commission (CSC) at National Task Force sa operational guidelines ng COVID-19 at iba pang emerging infectious disease response sa public sector workplaces.