Inihayag ng National Vaccination Operations Center na magsisimula na sa February 14 ang COVID-19 vaccination rollout sa mga batang nag-edad 5 hanggang 11 anyos.
Sinabi ni NVOC co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario na hinahanda na nila ang national roll out.
Dagdag pa nito na inaasahan lamang nilang mabakunahan ang humigit-kumulang 1,000 mga bata sa pilot implementation nito na magsisimula ngayong Pebrero 7-Lunes.
Ang mga vaccination sites sa Metro Manila, Rehiyon 3, at Rehiyon 4 ay palalawakin sa 38.
Sinabi ni Rosario na humigit-kumulang 500,000 mga bata ang nakarehistro para sa pagbabakuna, karamihan ay mula sa mga kalunsuran.
Humigit-kumulang 780,000 na dosis ng mga bakuna sa COVID-19 para sa mga bata ang dumating, at humigit-kumulang 1.5 milyong dosis ang inaasahan pa rin sa susunod na linggo.
Kasabay nito, target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa limang milyong indibidwal para sa nalalapit na “Bayanihan, Bakunahan” na gaganapin sa Pebrero 10 at 11.
Sa kabuuan, mahigit 20 milyong indibidwal ang target na mabakunahan laban sa COVID-19 ngayong Pebrero base sa talaan ng DOH.