Lalo pang lumago sa pinakamataas nitong antas ang utang ng Pilipinas sa unang buwan ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), sumipa na sa P7.49-trilyon ang outstanding debt ng pamahalaan nitong buwan ng Enero.
Ito raw ay 2.8 porsyentong mas mataas kumpara sa P7.29-trilyong nairehistro nitong katapusan ng Disyemre ng nakalipas na 2018.
Paliwanag ng BTr, ito raw ay bunga ng lumaking foreign at domestic loans.
Naganap din umano ito sa gitna na rin ng mga hakbang na samantalahin ang “generally favorable” na kondisyon ng merkado sa sa pagpapataas ng foreign at local funding.
“The [month-on-month] rise in external obligations was primarily caused by net availments of foreign loans amounting to P83.29 billion. Meanwhile, the weakening of the dollar, on one hand, decreased the peso value of dollar-denominated debt by P19.24 billion; but on the other hand, increased the peso equivalent of third currency-denominated debt by P4.63 billion, thereby resulting in a net downward revaluation effect of P14.61 billion,†saad ng Treasury.