BUTUAN CITY – Nagdeklara ang national government ng Argentina ng national holiday ngayong araw upang mabigyan ng panahon ang homecoming at victory caravan bilang selebrasyon sa pagkampyon ng kanilang national football team sa 2022 FIFA World Cup.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Ian Mar Limbag na kahapon pa lang, naghahanda na ang mga Argentinians sa pagdating ng nailang football team kung kaya’t nagdeklara kaagad ang pamahalaan ng holiday.
Dumating umano ang mga footballers pasado alas-tres ng madaling araw, oras sa Argentina kungsaan kaagad na isinagawa ang caravan sa capital Buenos Aires pasado alas-dose na ng tanghali na tumagal ng anim na oras.
Mas maaga itong tinapos sa una ng pinaplanong pito hanggang 8-oras dahil sa sobrang dami ng mga tawo na nasa mga kalsada na tinatayaang aabot nga 5-milyon kungsaan halos hindi na makaka-abante pa ang caravan.