Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsasabatas sa land use policy sa Pilipinas, ilang araw matapos inaprubahan ng House of Representatives sa 3rd and final reading ang nasabing panukala.
Siniguro naman ng Pangulo na kaniyang bibigyang pansin ang nasabing panukala na mahalaga sa holistic national development ng bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na mayroon siyang personal na kaalaman sa malaking epekto ng panukalang batas sa sambayanang Pilipino dahil nagkaroon siya ng pagkakataong pagtrabahuhin ito nuong siya pa ang chairman ng Senate Urban Planning, Housing and Resettlement Committee.
Binanggit din ni Pangulong Marcos na dapat tiyakin ng mga lokal na pamahalaan na ang kani-kanilang pisikal at mga plano sa paggamit ng lupa ay naaayon at magiging pare-pareho sa pambansang plano.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Kamara sa timely na pagpasa ng panukalang batas ang National Land Act Use na kabilang sa priority measures ng kaniyang administrasyon.