Ipinauubaya ng National Maritime Council (NMC) sa Dept of Foreign Affairs ang posibilidad na iakyat sa mas mataas na antas ang paghahain ng reklamo laban sa China kaugnay ng insidente nitong August 19 sa Escoda Shoal.
Ayon kay NMC Spokesperson retired Vice Admiral Alexander Lopez na seryosong pinag aaalan ng DFA ang nasabing asunto.
Sinabi naman ni Presidential Assistant to Maritime Concerns Secretary Andres Centino na posibleng sa alinmang united nations body isampa ang kaso laban sa China.
Kaya nagdagdag aniya ang nmc ng tatlong miembro pa kabilang na ang solicitor general, national security adviser at national intelligence and coordinating agency o nica na dating hindi kasama sa komposisyon ng konseho.
Maliban dito, sinabi pa ni lopez na possible rin aniyang ikonsidera ng DFA na isulong ang pagpapalawak sa nauna nang provisional understanding sa china hinggil sa rotation and resupply missions nito sa Ayungin shoal at ipatupad din ito sa iba pang maritime area o kaya ay sa buong area ng exclusive economic zone ng bansa.
Matatandaan na sinelyuhan ng Pilipinas at China ang provisional o preliminary understanding para sa rotation and resupply mission sa ayungin shoal, subalit hindi inakala na wala pala itong bisa sa iba pang bahagi ng karagatang sakop ng wps kaya nangyari ang insidente sa Escoda shoal.
Sa kabila nito, iginiit ni Lopez na mandato ng mga coast guard ng anupamang bansa na pangalagan ang kaligtasan ng buhay at ari arian sa karagatan, subalit malinaw aniyang nilabag ito ng China, nang magpatupad ito ng mapanganib na pagma niobra sa kanilang barko na nauwi para mabangga nito ang barko ng Philippine coast guard na nagdulot dito ng pinsala.