Naniniwala ang National Maritime Council (NMC) na hindi mali ang patuloy na pagsusulong ng Pilipinas ng mapayapang resolusyon sa pamamagitan ng diplomasiya.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagiging agresibo ng China Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas.
Ayon kay National Maritime Council Spokesperson retired Vice Admiral Alexander Lopez, hindi magdudulot ng magandang interes para sa Pilipinas kung magkakaroon ng mas maraming kinetic actions o tutugunan din ito ng pwersa ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Lopez, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan na hindi gumagamit ng pwersa.
Ang Pilipinas ay compliant sa code of conduct na nilagdaan ng Pilipinas nuong 2002.
Malinaw sa nasabing kasunduan na ang mga partido kabilang sa mga signatories ay iwasan ang mga aktibidad na magresulta sa escalation bunsod ng hindi pagkakaunawaan.
Giit ni Lopez, hindi magiging mali ang hakbang ng Pilipinas kung ang diplomatic approach ang ipatutupad.
Dagdag pa ni Lopez, hindi nakakatulong sa confidence-building measure ang patuloy na agresibong aksiyon ng China sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Sinabi pa ni Lopez na ang ginawang pagbangga ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ay
Maritime Council sinabing ‘di magdulot ng magandang interes sa PH kung sasabayan ng pwersa ang agresibong aksiyon ng China
Naniniwala ang National Maritime Council (NMC) na hindi mali ang patuloy na pagsusulong ng Pilipinas ng mapayapang resolusyon sa pamamagitan ng diplomasiya.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagiging agresibo ng China Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas.
Ayon kay National Maritime Council Spokesperson retired Vice Admiral Alexander Lopez, hindi magdudulot ng magandang interes para sa Pilipinas kung magkakaroon ng mas maraming kinetic actions o tutugunan din ito ng pwersa ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Lopez, malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na resolbahin ang isyu sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan na hindi gumagamit ng pwersa.
Ang Pilipinas ay compliant sa code of conduct na nilagdaan ng Pilipinas nuong 2002.
Malinaw sa nasabing kasunduan na ang mga partido kabilang sa mga signatories ay iwasan ang mga aktibidad na magresulta sa escalation bunsod ng hindi pagkakaunawaan.
Giit ni Lopez, hindi magiging mali ang hakbang ng Pilipinas kung ang diplomatic approach ang ipatutupad.
Dagdag pa ni Lopez, hindi nakakatulong sa confidence-building measure ang patuloy na agresibong aksiyon ng China sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Sinabi pa ni Lopez na ang ginawang pagbangga ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ay napaka delikado.