-- Advertisements --

Suportado ng National Maritime Council (NMC) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa naging pahayag nito na igiit at depensahan ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag binigyang-diin ng konseho ang paninindigan na magiging matatag laban sa anumang panghihimasok ng dayuhan sa ating mga maritime zone.

Dagdag pa nito na kailanman ay hindi nito ititigil ang pagtataguyod sa mga karapatan at paggalang sa mga tungkulin sa ilalim ng internasyonal na batas partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 arbitral award.

Habang nakatuon ang Pilipinas sa mapayapang pag-aayos ng mga hindi pagkakaunawaan at tamang diplomatic approach ay hindi kailanman hindi patitinag sa mga agresibong aksiyon ng China.

Magpapatuloy ang Pilipinas sa pagprotekta sa pambansang teritoryo nito at maritime domain.

Una ng inihayag ni Pang. Marcos na patuloy na mararamdaman ng China ang presensiya ng Pilipinas sa teritoryo nito lalo na sa exclusive economic zone ng bansa.