-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatapatan ng isang national movement ng ilang grupo ang presensiya ng basi-militar ng tropang Amerikano sa pamamagitan ng mga itinatag na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa piling bahagi ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Herman Laurel,presidente sa Asian Century Philippines Strategic Studies Institute na layunin nito na magkaroon ng kaukulang kaalaman ang taong-bayan kung ano talaga ang totoong motibo ng mga Amerikano na nagpalakas ng kanilang prensensya gamit ang malakas na alyansa ng bansa.

Sinabi ni Laurel na sariling interes ng Amerika ang pinaka-pangunahing layunin ng kanilang EDCA site presence dahil tagilid sila sa usaping pang-seguridad at ekonomiya Asya kung saan namamayagpag ang Tsina.

Dagdag nito na maslalo lang nalagay sa alanganin ang Pilipinas dahil ang totoong magkaribal sa halos lahat ng larangan ay ang Amerika at Tsina.

Ito ang dahilan na dapat alam ng publiko na ang usaping West Philippine Sea dispute ay pinapainit lang ng Estados Unidos sa pag-aakala na kakasa ang Pilipinas upang komprontahin ang superpower China.

Isagawa ang anti-US military basis gathering at rally sa Mindanao region sa Cagayan de Oro City sa darating na Enero 25 hanggang 26 nitong taon.