BUTUAN CITY – Peaceful at manageable ang National Rally for Peace na isinagawa sa Butuan City bilang pakiki-isa ng Caraga Region sa simultaneous na raling inorganisa ng Iglesia ni Cristo sa buong bansa.
Ayon kay Butuan City Police Director Col. Rommel Villamor, sa kabila ng tinatayang 15-libong kataong kanilang na-monitor na pumasok sa City Sports Complex as of alas-nueve kaninang umaga, wala silang nakitang problema dahil well-organized ang parada ng mga raliyesta mula sa labas hanggang sa pagpasok nila sa venue at wala din silang natanggap na banta upang i-disrupt ang naturang aktibidad.
Gaya ng ibang lungsod sa buong bansa, pinaka-apektado sa nasabing rali ang takbo ng trapiko kung kaya’t ni-reroute na ng City Tansportation, Traffic and Management Department ang mga sasakyang may ruta sa mga daan sa paligid ng sports complex.