-- Advertisements --

Pinatitiyak ni National Security Council Secretary Eduardo Ano sa Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang anumang reclamation activities ang magaganap sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea.

Nababahala kasi ang National security council o nsc  sa posibleng pagtatangka na namang reclamation activity ng China sa Escoda o Sabina shoal.

Inihayag ni NSC assistant director general usec Jonathan Malaya na paiigtingin pa ng pwersa ng gobyerno ang pagbabantay at surveillance sa lugar, kasama na rin sa iba pang teritoryo ng bansa tulad ng Sandy Cays 1 2 at 3.

Ayon kay Malaya, sa ilalim ng arbitral ruling, mandato ng bansa na tiyaking mapipigilan ang anumang pagtatangkang lumikha ng panibagong isla ang ibang  mga bansa tulad ng china  sa mga lugar na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Kaya magdi deploy aniya ng mas marami pang assets ang pamahalaan sa mga lugar na ito para magpatrolya o magsagawa ng maritime patrols o operations.

Giit ni Malaya walang ibang magbabantay sa mga lugar na ito kundi tayo rin.