-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinangangambahan na malagay umano sa alanganin ang national security ng Estados Unidos dahil sa patuloy na riot ng mga supporters ng Republican at incumbent US president na si Donald Trump.

Iniulat ni Arnel Noel Gellada, mula sa Estados Unidos na libu-libo pa rin ang nagsasagawa ng protesta lalo na sa Washington DC kung saan makikita ang White House.

Anya, tiyak na magiging pahirapan ang transition sa pagitan ni Trump at ni presumptive President Joe Biden.

Sa kabila aniya nang pagkaaresto ng halos isang dosenang raliyesta, hindi natitinag ang mga die hard supporters ni Trump at patuloy pa rin sa pagprotesta.

Naninindigan ang mga ito na may dayaan umano sa nangyaring US election.