-- Advertisements --

Bumuo na ng national investigation task group ang Philippine National Police (PNP) na siyang tututok sa mga kaso ng pagpatay sa mga local chief executives.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ang siyang mamumuno sa nasabing task group.

Aminado si Albayalde na sila ay nababahala sa serye ng pagpatay sa mga mayors at vice mayor sa ibat ibang lugar sa bansa.

“On the matter of recent murders of local chief executives, I have designated The Director for Investigation and Detective Management, Police Director Elmo Sarona to constitute and head a National Investigation Task Group that will closely monitor and facilitate national level coordination of all investigative efforts by the different PNP units, Offices and SITGs involved in the investigation of incidents involving LCEs,” pahayag ni Albayalde.

Pagbibigay-diin pa ng heneral na kahit kabilang sa “narco-list” ang isang opisyal, kailangan pa rin imbestigahan at mabigyan ng hustisya ang biktima.

Pinasinungalingan naman ni Albayalde ang akusasyon ni Cebu City Mayor Tomas Osmena na dumami ang patayan sa Cebu ngayon simula nang maupo sa puwesto ang bagong hepe ng Police Regional Office-7.

Naniniwala si PNP chief na dahil sa pinalakas at pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga kaya may mga indibidwal ang napapatay sa mga anti-drug operation ng pulisya.