-- Advertisements --

Hinikayat ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Jens Stoltenberg ang US na tuparin ang suportang ipinangako nito sa Ukraine para tulungan ang nasabing bansa laban sa Russia.

Dagdag pa nito na naging malinaw at mahalaga ang aid package ng US sa Ukraine.

Naniniwala kasi ito na nawawalan na ng mga armas ang mga sundalo ng Ukraine.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay ipinasa ng US senate ang $95.3 bilyon na foreign aid bill na tulong para sa Ukraine pero nasa kamay pa rin ng US House of Representatives ang pagpapasya.