-- Advertisements --

Iniulat ni Nato chief Jens Stoltenberg na walang senyales na isusuko ni Russian President Vladimir Putin ang “kanyang ambisyon na kontrolin ang buong Ukraine” .

Dahil dito, malaki ang posibilidad na maaaring tumagal ng maraming taon ang digmaan.

Sinabi ni Stoltenberg na ang “conflict” ay umabot na sa isang “kritikal na yugto” habang inilipat ng Moscow ang mga battered forces nito palabas sa hilaga ng Ukraine at muling hinanda sila bilang paghahanda para sa isang malaking opensiba sa silangan.

Aniya, wala silang nakitang indikasyon na binago ni Putin ang kanyang ambisyon na kontrolin ang buong Ukraine at e-rewrite ang international order.

Ang mga kaalyado ng NATO ay nagbigay sa Ukraine ng mga pangunahing sandata kabilang ang mga anti-tank at anti-aircraft missiles na nakatulong sa mga pwersa nito na itulak pabalik ang mga tropa ng Moscow.

Ang Kyiv ay humingi ng mas mabibigat na sandata, kabilang ang mga tangke, sasakyang panghimpapawid, air defense system at artilerya, dahil ito ay nagbibigkis para sa isang reinforced na pagsalakay sa silangan.

Nauna nang nanawagan sa mga miyembro ng NATO si Ukraine’s Foreign Minister Dmytro Kuleba na ibigay sa Kyiv ang lahat ng armas na kailangan nito upang labanan ang Russia.