-- Advertisements --
Tiwala si North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Jens Stoltenberg na mabilis na makapagdesisyon ang kanlang miyembro para tanggapin ang Finland at Sweden bilang bagong kaalyado.
Kasunod ito sa naging banta ng Turkey na kanilang i-veveto ang NATO applications ng Sweden at Finland dahil umano sa pagkubkob ng mga ito ng Kurdish militants.
Sinabi pa ni Stoltentberg na ang mga kaalyadong bansa ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa nasabing tatlong bansa.
Dagdag pa nito na hindi normal na magkaroon ng pagkakaiba ng opinion sa NATO at may kasanayan ang alliance ng maghanap ng solusyon.