Nakatakdang talakayin sa pagpupulong ng mga defense minister ng North Atlantic treaty Organization (NATO) ang pagpapadala ng heavy weapons sa Ukraine.
Ito ay kasunod ng apela ni Ukarinian President Volodymyr Zelensky para sa karagdagang armas para malabanan ang pwersa ng Russia na nasa eastern Ukraine.
Ang battle of Severodonetsk na mayroon lamang mahigit 100,000 mamamayan bago ang giyera ay siyang sentro ng biggest fight sa Ukraine ngayon.
Ayon kay presidential adviser Mykhailo Podolyak, nangangailangan ang Ukarie ng 1000 howitzers, 500 tanks at 1,000 drones at iba pang heavy weapons.
Nangako naman ang western countries na magbibigay ng standard weapons ng NATO kabilang na ang US rockets.
Nauna ng nangako ng supora ang mga lider mula sa pitong bansa na kasapi sa NATO mula sa Europe para sa pagbibigay ng karagdagang heavy heapons sa Ukraine.
Kabilang dito sina Romania’s president at prime ministers ng Belgium, Poland, Portugal at Latvia. Dutch Prime Minister Mark Rutte at Danish PM Mette Frederiksen.