-- Advertisements --

Dinagdagan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang ginagawa nilang surveillance ng mga barko sa Baltic Sea.

Kasunod ito sa nangyaring pagkakasira ng mga kritikal na undersea cables.

Sinabi ni NATO chief Mark Rutte na ang kanilang misyon na tinawag na “Baltic Sentry” ay kinabibilangan ng dagdag na pagpatrolya ng mga eroplano, warships at drones.

Ang kaniyang anunsiyo ay isinagawa sa pulong ng mga NATO members na bansa na kinabibilangan ng Finland, Estonia, Denmark, Germany, Latvia, Lithuania, Poland at Sweden.

Una rito ay inakusahan ng bansang Poland na ang Russia ang nasa likod ng pagkakasira ng mga undersea cables.