-- Advertisements --
Dinagdagan ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang mga sundalong magbabantay malapit sa border crossing ng Kosovo-Serbia.
Kasunod ito ng pagharang ng mga taga Kosovo ng kanilang border.
Pinagbabawalan nilang makapasok ang mga sasakyan na may Serbian plate number.
Sa ilalim ng ban ay lahat ng mga drivers ng Serbia ay dapat gumamit ng temporary printed registration na mayroong 60 days validation.
Paliwanag ng Kosovo Government na ang nasabing paraan ay bilang ganti nila sa Serbia.
Mula kasi noong 2008 ay hindi kinilala ng Serbia ang paglaya ng Kosovo sa kanila.
Para mapakalma ang nangyayaring tensiyon ng dalawang bansa ay nakialam na ang NATO.