-- Advertisements --
Ikinagalit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang naging pahayag ni dating US President Donald Trump na hihikayatin niya ang Russia na atakihin ang anumang bansa.
Nitong weekends kasi sa kaniyang kampanya ay sinabi ni Trump na ipapa-atake niya sa Russia ang bansa na hindi makamit ang spending guidelines para sa protection ng US.
Sinabi ni NATO chief Jens Stoltenberg na ang pahayag na ito ng dating pangulo ng US ay lubhang nakakabahala dahil sa inilalagay nito sa kapahamakan ang mga sundalo ng US at European countries.
Umaasa ito na sinuman ang manalo na pangulo ng US ay magiging mahigpit pa rin na kaalyado ng NATO ang US.