-- Advertisements --

Itinanggi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na magkakaroon ng epekto ang naging trade issues ng US at Europe.

Ayon kay NATO chief Mark Rutte, na kanilang pinabulaanan na maaring kumalas ang Europe sa security relationship nila sa US.

Hindi aniya makakabuti sa European defense strategy kung wala ang US.

Tuloy-tuloy ang kanilang ugnayan ni US President Donald Trump at handa silang magpatawag ng pulong.

Magugunitang inakusahan ni Trump ang NATO na hindi gumagastos ng tama para sa kanilang depensa kung saan ang US pa umano ang may kakayahan na magbigay ng proteksyon.