-- Advertisements --

Kinumpirma ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagpapadala ng North Korea ng kanilang sundalo sa Russia.

Sinabi ni NATO Secretary General Mark Rutte, nakumpirma lamang niya ito matapos ang ginawang pulong niya sa mga opisyal ng security and defense ng South Korea.

Dagdag pa nito na ang nasabing hakbang na ito ng North Korea ay nagpapakita ng pagpapalala ng tensiyon sa nasabing lugar.

Una ng itinanggi ni Russian President Vladimir Putin ang ulat na may mga sundalo ng North Korea itong kinuha para labanan ng Ukraine.