-- Advertisements --
Inamin ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na sila ay nababahala sa gagawing pagbisita ni Russian President Vladimir Putin sa North Korea.
Sinabi ni NATO Chief Jens Stoltenberg, na mula pa noon ay alam nila ang potensiyal na mangyayari kung tulungan ng North Korea ang Russia sa pag-atake sa Ukraine.
Patuloy aniya sila nakabantay sa nasabing pag-uusap ng dalawang lider.
Pagtitiyak din nito na may hakbang silang ginagawa upang tuluyang matapos na ang mahigit na dalawang taon na giyera sa pagitang ng Ukraine at Russia.
Magugunitang bibisita si Putin sa North Korea na siyang unang pagkakataon sa loob ng 25 taon.