-- Advertisements --
Naghahanda ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) ng kasagutan sa arms treaty breach ng Russia.
Nakatakda na kasing matapos ang Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) treaty sa Agosto 2 matapos na umatras ang US at Russia na magkaroon ng bagong kasunduan.
Ayon kay NATO Secretary General Jens Stoltenberg, na walang balak ang Russia na sirain ang kanilang missile system kaya pinaghahandaan nila itong mabuti.
Nakatakda rin niyang kausapin ang Russia sa nasabing usapin.