-- Advertisements --
Plano ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na magbigay ng long-term military support sa Ukraine.
Ayon kay NATO Secretary General Jens Stoltenberg nais nilang bigyan ng $107-bilyon na pondo sa loob ng limang taon ang Ukraine.
Sa nasabig proposal ay mabibigyang ng pagkakataon ang mga bansang kaalyado ng Ukraine na makapagsuplay ng mga armas, bala at kagamitan sa Ukraine para labanan ang Russia.
Giit nito na mahalaga talaga ang pangmatagalang suporta para hindi basta maubusan ang Ukraine ng panlaban kontra Russia.