-- Advertisements --
Tiniyak ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na nasa likod sila ng Ukraine para tuluyang talunin ang pananakop ng Russia.
Sinabi ni Nato Secretary-General Jens Stoltenberg, na ang kinabukasan ng Ukraine ay nasa kamay nila.
Gagawin aniya nila ang lahat ng makakaya para tuluyang maging miyembro na ng NATO ang Ukraine.
Sa panig naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mahalaga ang suporta ng NATO para mabawasan ang pagiging agresibo ng Russia.
Gagawin din aniya nito ang lahat ng mga makakaya para mapabilang ang kaniyang bansa sa NATO.
Patuloy din ang panghihikayat nito sa mga bansa na ituloy ang pagbibigay ng mga armas sa kanila.