Hindi nagbabago ang suporta ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa paglaban ng Ukraine sa Russia.
Sa pagbisita ni NATO Secretary-General Mark Rutte, ay personal nitong nakapulong si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Dito ay tiniyak na na buo at hindi nagbabago ang suporta ng NATO sa Ukraine para tuluyang labanan ang Russia.
Ilan sa mga natalakay ng dalawa ay ang mga kailangan ng Ukraine para tuluyang talunin ang Russia.
Dagdag pa ni Rutte na sila ay gumagawa ng paraan para mapunan ang nasabing hirit na ito ng Ukraine.
Muling ibinahagi ni Zelensky sa NATO chief ang kaniyang victory plan laban sa Russia.
Magugunitang tuloy-tuloy ang panawagan ni Zelensky sa mga kaalyadong bansa nito ng dagdag na military aide para talunin ang Russia.