-- Advertisements --
Walang nakikita ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na paglabag sa ginawang pagpataw na matataas na taripa ni US President Donald Trump sa maraming bansa.
Ayon kay NATO Secretary General Mark Rutte na hindi paglabag sa translantic alliance treaty ang ipinatupad nito ni Trump kung saan apektado ang ilang european countries.
Pagtitiyak naman nito na hiwalay na usapin ang taripa basta nakatuon lamang ang kanilang trabaho sa pagprotekta sa teritoryo ng NATO.
Hindi aniya ito makikialam sa anumang usapin ukol sa taripa kung saan maraming mga bansa sa Europa ang naapektuhan.
Magugunitang maraming mga European countries ang kasama sa pinatawan ni Trump ng mataas na taripa.