-- Advertisements --
Abot-kamay na ni Justin Brownlee ang pangarap nitong maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.
Ito ay matapos aprubahan na ng senado sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6224 na nagbibigay ng Filipino Citizenship kay Barangay Ginebra import.
Hinikayat ni Senator Francis Tolentino, may-akda ng panukala, ang mga kapwa senador na pabilisan ang pag-apruba ng nasabing naturalization ni Brownlee.
Sakaling tuluyan ng maaprubahan ang naturalization ni Brownlee ay makakasali na siya sa ikaanim na window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Lebanon at Jordan sa buwan ng Pebrero.
Mula pa noong 2016 ay naglalaro na sa PBA ang 34-anyos na si Brownlee.