-- Advertisements --

Mas mataas ang tiyansa na makaranas ng mild at moderate side effects ang mga adults na nabakunahan ng magkaibang vaccine doses ayon sa isinagawang vaccine trial ng Oxford Vaccine Group’s Com-Cov.

Pananakit ng ulo, muscle pain at pakiramdam na giniginaw, ito ang ilan sa madalas na adverse reactions na mararamdaman kapag tinurukan ng magkaibang COVID-19 vaccine.

Mahigit 800 na nasa edad 50 pataas ang lumahok sa isinagawang Com-cov study na inilunsad noong Pebrero upang makita ang epekto ng pagbabakuna ng ibang vaccine para sa ikalawang dose kung mas matagal ang immunity response, at kung mas mabisang proteksyon ito laban sa bagong variant ng coronavirus.

Base sa pag-aaral, napag-alaman na mild at moderate side efects ang naramdaman ng mga adults na naturukan ng doses ng Astrazeneca at Pfizer COVID vaccine.

Sa preliminary data sa isinagawang trial ng Oxford Vaccine Group, isa sa 10 volunteers na tinurukan ng dalawang Astrazeneca vaccine na apat na linggo ang pagitan ay nasa 10% na makakaranas ng lagnat habang mas mataas na 34% naman kapag nabakunahan ng magkaibang COVID vaccine na Astrazeneca at Pfizer.

Nasa 80% namang makakaranas ng pagkahapo o pakiramdam ng pagod ang nabakunahan ng Astrazeneca at Pfizer at 60% na makakaranas ng sakit ng ulo gamit ang magkaibang bakuna.

Inaasahan na ilalabas ang kabuuang resulta ng inisyal na pag-aaral sa pagbabakuna ng magkaibang COVID vaccine sa Hunyo.